Mapag-aalaman natin sa seminar na ito ang nauugnay sa Pangungusap ng Tawḥīd, mga Haligi ng Pananampalataya, at sumasalungat doon na Shirk at paglihis sa tumpak na paniniwala.
Ang Pananampalataya kay Muḥammad (Basbasan Siya ni Allāh) Bilang Propeta at Bilang Sugo
11Mga minuto
Ang Pananampalataya kay Propeta Muḥammad
Ang Nilalaman ng Pananampalataya kay Propeta Muḥammad
Ang Kinakailangan sa Atin Tungo sa Propeta Nating si Muḥammad
Ang Pagpapauna sa Pag-ibig sa Propeta Higit sa mga Tao
Tanong
Ang Pagtanggap sa Inihatid ng Sugo Natin
Ang Pag-iingat Laban sa Pagsalungat sa mga Utos ng Propeta.
Ang Pagwawakas ng Mensahe sa Pamamagitan ni Propeta Muḥammad
Tanong
Ang Pagpapawalang-bisa ng Mensahe ni Muḥammad sa Anumang Bago Nito
Ang Pagkapangkalahatan ng Mensahe ni Muḥammad Para sa Tao at Jinn
Ang Pananampalataya kay Muḥammad (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) Bilang Propeta at Bilang Sugo
Dumalangin ka ng basbas at pangangalaga sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
1 Minuto
Sumasampalataya tayo na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya at na siya ay ang ginoo ng mga una at mga huli. Siya ay ang pangwakas sa mga propeta kaya naman walang propeta matapos niya. Naipaabot nga niya ang mensahe at nagampanan niya ang ipinagkatiwalang tungkulin. Nagpayo siya sa Kalipunan. Nakibaka siya alang-alang kay Allāh nang totoong pakikibaka niya.
1 Minuto
Naniniwala tayo sa Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ipinabatid niya. Tumatalima tayo sa kanya sa ipinag-utos niya. Lumalayo tayo sa sinaway niya at sinawata niya. Sumasamba tayo kay Allāh sang-ayon sa Sunnah niya. Tumutulad tayo sa kanya hindi sa iba pa sa kanya. Nagsabi si Allāh (Qur’ān 33:21): {Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas.}
1 Minuto
Kailangan sa atin ang magpauna ng pag-ibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) higit sa pag-ibig sa magulang, anak, at lahat ng mga tao, gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): “Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa magulang niya, anak niya, at mga tao sa kalahatan.” Ang tapat na pag-ibig sa kanya ay sa pamamagitan ng pagsunod sa Sunnah niya at pagtulad sa patnubay niya. Ang tunay na kaligayahan at ang ganap na pagkapatnubay ay hindi naisasakatotohanan malibang sa pamamagitan ng pagtalima sa kanya.
1 Minuto
Nasaad sa marangal na ḥadīth na ang isa sa atin ay hindi nagiging isang mananampalataya hanggang sa Propeta natin (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay maging higit na iniibig kaysa sa:
magulang niya.
anak niya.
mga tao sa kalahatan.
ang lahat ng naunang nabanggit.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
1 Minuto
Kinakailangan sa atin ang tumanggap sa inihatid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na magpaakay tayo sa Sunnah niya, na gumawa tayo sa patnubay bilang pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagdakila, gaya ng sinabi Niya (Qur’ān 4:65): {Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa nagpapahatol sila sa iyo sa anumang napagtalunan sa pagitan nila, pagkatapos hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang pagkaasiwa sa anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang lubos naisang pagpapasakop [na lubos].}
1 Minuto
Kailangan natin na mag-ingat laban sa pagsalungat sa utos niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil ang pagsalungat sa utos niya ay isang kadahilanan ng sigalot, pagkaligaw, at masakit na pagdurusa. Nagsabi si Allāh (Qur’ān 24:63): {Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos niya na may tumama sa kanila na isang sigalot o may tumama sa kanila na isang masakit na pagdurusang masakit.}
1 Minuto
Natatangi ang mensahe ni Muḥammad sa mga naunang mensahe sa ilan sa mga ikinatatangi at mga ikinabubukod. Kabilang sa mga ito na ito ay isang mensaheng tagapagpawakas sa mga naunang mensahe. Nagsabi si Allāh (Qur’ān 33:40): {Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa kalalakihan mga lalaki ninyo, subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.}
1 Minuto
Ano ang mensahe na ipinangwakas sa lahat ng mga mensahe na nauna roon?
Ang mensahe ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga).
Ang mensahe ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang mensahe ni Moises (sumakanya ang pangangalaga).
Ang mensahe ni Jesus (sumakanya ang pangangalaga).
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
1 Minuto
Ang mensahe ni Muḥammad ay tagapagpawalang-bisa sa mga mensaheng nauna. Kaya naman hindi tatanggap si Allāh mula sa isa ng isang relihiyon, matapos ng pagpapadala sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), malibang may pagsunod sa kanya. Hindi darating ang isa sa Kaginhawahan ng Paraiso malibang sa pamamagitan ng daan niya sapagkat siya ay ang pinakamarangal sa mga sugo, ang Kalipunan niya ay ang pinakamabuti sa mga kalipunan, at ang Batas niya ay ang pinakalubos sa mga batas. Nagsabi si Allāh (Qur’ān 3:85): {Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi.}
1 Minuto
Ang mensahe ni Muḥammad ay pangkalahatan sa tao at jinn. Nagsabi si Allāh ng kuwento tungkol sa sabi ng mga jinn (Qur’ān 46:31): {O mga kalahi namin, sumagot kayo sa tagapag-anyaya ni Allāh}. Nagsabi pa Siya (Qur’ān 34:28): {Hindi Kami nagsugo sa iyo maliban sa kalahatan para sa mga tao bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.} Nasaad naman sa ḥadīth: “Pinalamang ako sa mga propeta dahil sa anim: binigyan ako ng mga makahulugan sa mga pananalita, iniadya ako sa pamamagitan ng hilakbot [sa mga kaaway], ipinahintulot para sa akin ang mga samsam sa digmaan, ginawa para sa akin ang lupa bilang pandalisay at bilang masjid, isinugo ako sa nilikha sa kalahatan, at winakasan sa pamamagitan ko ang mga propeta.”
1 Minuto
Dahil sa ano pinalamang ni Allāh ang Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa iba pa kabilang sa mga propeta mula sa sumusunod?
Ipinahintulot para sa kanya ang mga samsam sa digmaan.
Iniadya siya sa pamamagitan ng hilakbot [sa mga kaaway].
Ginawa para sa kanya ang lupa bilang pandalisay at bilang masjid.
Ang lahat ng naunang nabanggit.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
Matagumpay mo ngang nalubos ang sesyon Salamat sa iyo!