Dumating ang Dakilang Relihiyong ito para sa pagsasakatuparan ng mga kapakanan ng mga tao sa Mundo nila at Kabilang-buhay nila. Nangunguna roon ang pangangalaga sa limang kinakailangan: ang relihiyon, ang buhay, ang isip, ang yaman, at ang supling.
Ang isip ay ang kinasasalalayan ng pagkakaatang ng tungkulin at ang iniikutan ng pagpaparangal at pampanginoong paghirang sa tao. Kaya naman nangalaga ang Sharī`ah at nagprotekta rito laban sa bawat anumang pumapatungkol sa pagpapaalis nito at pagpapahina nito.
Ano ang bagay na nagsasabi ang mga dalubhasa sa batas tungkol dito na ito ay “kinasasalalayan ng pagkakaatang ng tungkulin” mula sa sumusunod?
Ang kaluluwa.
Ang isip.
Ang pandinig.
Ang katawan.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa pagsalungat ng pag-inom ng alak sa pananampalataya at pagpapakulang nito roon: “Hindi siya umiinom ng alak nang umiinom siya nito samantalang siya ay mananampalataya.”
Kumpletuhin mo ang sumusunod na ḥadīth sa pamamagitan ng tumpak na salita: Hindi siya umiinom ng alak nang umiinom siya nito samantalang siya ay …
mapangilag magkasala.
gumagawa ng maganda.
nakapag-iisip.
mananampalataya.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
Nag-obliga ang Islām ng kaparusahan sa umiinom ng alak para maaba ang karangalan niya at bumagsak sa lipunan ang reputasyon niya.
Nasaad ang banta ng masakit na pagdurusa sa sinumang nagpatuloy sa pag-inom ng alak at ng anumang napabilang sa alak hanggang sa namatay nang hindi nakapagbalik-loob. Nasaad sa ḥadīth: “Tunay na kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay may isang tipan para sa sinumang uminom ng nakalalango, na magpainom sa kanya mula sa putik ng Khibāl.” Ito ay katas ng mga maninirahan sa Impiyerno, mga karumihan nila, naknak nila, at nana nila.
May isang masakit na pagdurusang ipinambanta ni Allāh sa sinumang nasusugapa sa alak at hindi nagbabalik-loob palayo sa pag-inom nito, na magpainom sa kanya ng:
nakapapasong tubig
bukal na pagkainit-init.
putik ng Khibāl.
tubig na nana.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
Ang lahat ng nakilahok o tumulong sa pag-inom ng alak mula sa malapit o malayo ay napaloloob sa banta sapagkat: “Sumumpa ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa alak ng sampu: ang tagapiga nito, ang nagpapiga nito, ang tagainom nito, ang tagapagdala nito, ang pinagdalhan nito, ang tagapagpainom nito, ang tagapagtinda nito, ang tagakain ng halaga nito, ang tagabili nito, at ang pinagbilhan nito.”
Sino ang napaloloob sa matinding banta sa alak at mga nakalalango mula sa mga ito?
Ang tagapiga nito, ang nagpapiga nito, at ang tagapiga nito.
Ang tagapagdala nito, ang pinagdalhan nito, at ang tagapagpainom nito.
Ang tagakain ng halaga nito, ang tagabili nito, at ang pinagbilhan nito.”
Ang lahat ng naunang nabanggit.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
Matagumpay mo ngang nalubos ang sesyon Salamat sa iyo!
حصلت على شهادة إتمام الفصل