Mapag-aalaman natin sa klaseng ito ang batayang panuntunan sa pagkain at inumin at pagbanggit ng ilan sa mga pagkaing pinapayagan at ipinagbabawal karagdagan sa mga magandang asal na nasasaad kaugnay sa pagkain at inumin.
Magpatuloy ka sa pagbabasa sapagkat ang mga sumusunod na parapo ay nauugnay sa aspeto ng pangangalaga ng Islām sa isip laban sa bawat nakapipinsala rito mula sa pagkain o inumin.
1 Minuto
Ang alak ay ang bawat umuukupa sa isip, ibig sabihin: nanghihimasok dito at nakikipanaig dito o nagtatakip dito at umeepekto dito – batay sa ḥadīth na: “Ang bawat tagapagpalango ay alak at ang bawat alak ay bawal.” – maging ito man ay ginawa mula sa mga prutas o mga butil o mga matamis gaya ng pulut-pukyutan. Kaya naman ang bawat tumatakip sa isip, ito ay alak na bawal, sa alinmang pangalan o anyo, kahit pa man ihinalo sa katas ng prutas o mga matamis o tsokolate.
1 Minuto
Ano ang hatol ng isang pagkain, na niluto o minatamis o iba pa sa dalawang ito, na hinaluan ng alak sa sandali ng paghahanda nito para kainin?
Kinasusuklaman.
Bawal.
Pinapayagan.
Walang anuman mula sa naunang nabanggit.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
1 Minuto
Ang alak ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala at ang pinakamabigat sa mga ito. Napagtibay nga ang pagbabawal at ang paghihigpit sa utos dito sa Qur’ān at Sunnah.
1 Minuto
Ang umiinom ng alak ay itinuturing na nakagagawa ng:
maliit na kasalanan.
bid`ah.
malaking kasalanan.
walang anuman mula sa naunang nabanggit.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
1 Minuto
Nagsabi si Allāh (Qur’ān 5:90): {O mga sumampalataya, ang alak, ang pagpusta, ang [pag-aalay sa] mga dambana, at ang [ang pagsasapalaran sa pamamagitangamit] ang mga tagdan ng palaso ay kasalaulaan lamang na kabilang sa gawain ng Demonyodemonyo,. K kaya iwaksi umiwas kayo rito, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.} Kaya naman naglarawan Siya rito ng karumihan at na ito ay kabilang sa mga gawain ng demonyo at nag-utos Siya sa atin ng pag-iwas dito kung nagnais tayo ng kaligtasan at tagumpay.
1 Minuto
Ano ang inilarawan sa Marangal na Qur’ān na ito ay {kasalaulaan} kabilang sa mga sumusunod na likido?
Ang tubig ng dagat.
Ang sukat.
Ang tubig na hindi dumadaloy.
Ang alak.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
1 Minuto
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): “Ang bawat tagapagpalango ay alak at ang bawat alak ay bawal. Ang sinumang uminom ng alak sa Mundo saka namatay habang siya nasusugapa rito ay hindi iinom nito sa Kabilang-buhay.”
Matagumpay mo ngang nalubos ang sesyon Salamat sa iyo!