Ang pagkaing pinahihintulutan ay may malaking katayuan sa Islām sapagkat ito ay isang kadahilanan sa pagtugon ng panalangin at ng pagpapala sa yaman at mag-anak.
Ang ibig sabihin ng isang pagkaing pinahihintulutan ay ang anumang naging isang pagkaing pinapayagan kainin, natamo sa isang paraang pinapayagan, at sa pamamagitan ng salaping pinapayagan nang walang kawalang-katarungan at walang paglabag sa mga karapatan ng mga ibang tao.
Ang batayang panuntunan sa lahat ng mga kinakain at mga iniinom ay ang pagpayag at ang pagpapahintulot, maliban sa anumang itinangi kabilang sa mga ipinagbabawal, kabilang sa nakapipinsala sa tao sa kalusugan niya, kaasalan niya, at relihiyon niya. Nagmagandang-loob nga si Allāh sa mga tao dahil sa paglikha para sa kanila ng lahat ng anumang nasa lupa upang makinabang sila rito maliban sa ipinagbawal Niya sa kanila sapagkat nagsabi Siya (Qur’ān 2:29): {Siya ay ang lumikha para sa inyo ng nasa lupa nang lahatan. Pagkatapos lumuklok Siya sa langit at bumuo Siya sa mga ito bilang pitong langit. Siya sa bawat bagay ay Maalam.}
Ang batayang panuntunan sa lahat ng mga kinakain at mga iniinom ay ang pagpayag at ang pagpapahintulot.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
Matagumpay mo ngang nalubos ang sesyon Salamat sa iyo!
حصلت على شهادة إتمام الفصل