Mapag-aalaman natin sa seminar na ito ang katayuan ng pamilya sa Islām, ang ugnayan sa pagitan ng mag-asawa, at ang nauugnay sa diborsiyo, `iddah, at ang mga karapatan ng mga individuwal sa balangkas ng pamilya.
Ang Katayuan ng Pamilyang Muslim
18Mga minuto
Ang Pamilyang Muslim
Ang Islām at ang Pagbuo ng Pamilya
Ang Pagbibigay-diin ng Islām sa Simulain ng Pag-aasawa
Tanong
Ang Biyaya ng Pagmamahal at Pagkaawa
Ang Islām at ang Pagpapadali ng Pag-aasawa
Tanong
Ang Pag-aasawa sa Yugto ng Kabataan.
Ang Paggalang sa Individuwal sa Loob ng Pamilya
Ang Responsibilidad ng Pamilya sa Edukasyon
Tanong
Ang Pag-ugnay sa Kaanak
Ang Katayuan ng Pag-ugnay sa Kaanak
Tanong
Ang Pagpapakundangan at ang Paggalang sa mga Magulang
Ang Pagkakinakailangan ng Pagtalima sa mga Magulang
Nagsigasig ang Islām nang buong sigasig sa pagpapatatag at pagpapatibay ng pamilya at pangangalaga rito laban sa anumang nakapipinsala rito at nagbabanta sa estruktura nito dahil sa pamamagitan ng kaayusan ng pamilya at pagkakabuo nito makagagarantiya tayo sa kaayusan ng mga individuwal at lipunan sa isang pangkalahatang paraan.
Ang pamilya ay may dakilang katayuan nito sa Islām, kaya sumubaybay ka kasama namin upang mapag-alaman mo kung papaano nag-alaga sa pamilya ang makatotoong Relihiyon natin.
1 Minuto
Nagbigay-diin ang Islām sa simulain ng pag-aasawa, pagbuo ng pamilya, at paggawa rito na kabilang sa pinakakapita-pitagan sa mga gawain at kabilang sa mga kalakaran ng mga isinugo [ni Allāh] gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): “subalit ako ay nag-aayuno, tumitigil-ayuno, nagdarasal, natutulog, at nag-aasawa ng mga babae; kaya naman ang sinumang umayaw sa kalakaran ko, siya ay hindi kabilang sa akin.”
1 Minuto
Alin sa mga sumusunod na gawain ang nasaad sa ḥadīth: “…kaya naman ang sinumang umayaw sa kalakaran ko, siya ay hindi kabilang sa akin”:
nag-aayuno at tumitigil-ayuno.
nagdarasal at natutulog.
nag-aasawa ng mga babae.
Ang lahat ng naunang nabanggit.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
1 Minuto
Ibinilang ng Qur’ān na kabilang sa pinakadakila sa mga kagandahang-loob at mga tanda ang nilikha ni Allāh na pagkapanatag, pagmamahal, pagkaawa, at pagpapalagayang-loob sa pagitan ng lalaki at maybahay niya sapagkat nagsabi si Allāh (Qur’ān 30:21): {Kabilang sa mga tanda Niya na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at pagkaawa.}
1 Minuto
Nag-utos ang Islām ng pagpapadali ng pag-aasawa at pagtulong sa sinumang nagnanais magpakasal upang magpakalinis-puri ng sarili niya gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): “May tatlong tungkulin kay Allāh ang pagtulong sa kanila…” Bumanggit siya ng kabilang sa kanila: “ang mag-aasawa na nagnanais ng pagpapakalinis-puri.”
1 Minuto
Pinangakuan ng ano ang tatlong kabilang sa kanila “ang mag-aasawa na nagnanais ng pagpapakalinis-puri”?
Paraiso.
Pagtulong sa kanila si Allāh.
Mga anak.
Pag-aadya.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
1 Minuto
Nag-utos ang Islām sa kabataan sa katindihan ng kapusukan nila at kalakasan nila sa pag-aasawa dahil sa dulot nito na kapanatagan at katiwasayan para sa kanila at pagpapairal ng legal na lunas sa kalakasan ng pagnanasa nila at paghahangad nila.
1 Minuto
Nagbigay ang Islām sa bawat isa sa mga individuwal ng pamilya ng buong paggalang, maging siya man ay isang lalaki o isang babae.
1 Minuto
Naglagay ang Islām sa ama at ina ng isang mabigat na responsibilidad sa pagdudulot ng edukasyon sa mga anak nila sapagkat nasaad sa ḥadīth: “Bawat isa sa inyo tagaalaga at pananagutin sa alaga niya.” Kaya naman ang pinuno ay tagaalaga at siya pananagutin sa alaga niya. Ang lalaki sa mag-anak niya ay tagaalaga at siya ay pananagutin sa alaga niya. Ang babae sa bahay ng asawa niya ay tagaalaga at siya ay pananagutin sa alaga niya. Ang alila sa ari-arian ng amo niya ay tagaalaga at siya ay pananagutin sa alaga niya.
1 Minuto
Sino sa mga ito na nagpabatid sa atin ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kanya na siya ay: “tagaalaga at pananagutin sa alaga niya”?
Ang pinuno.
Ang lalaki sa mag-anak niya at ang babae sa bahay ng asawa niya.
Ang alila sa ari-arian ng amo niya.
Ang lahat ng naunang nabanggit.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
1 Minuto
Nagsatungkulin ang Islām sa Muslim ng pag-ugnay sa kaanak. Ang kahulugan niyon ay ang pakikipag-ugnayan ng Muslim at ang paggawa niya ng maganda sa mga kamag-anak niya sa panig ng ama niya at ina niya gaya ng mga lalaking kapatid niya, mga babaing kapatid niya, mga tiyuhin sa ama niya, mga tiyahin sa ama niya, mga anak ng mga ito, mga tiyuhin sa ina niya, mga tiyahin sa ina niya, at mga anak ng mga ito.
1 Minuto
Ibinilang ng Islām ang Pag-ugnay sa Kaanak na kabilang sa pinakadakila sa mga pampalapit-loob at mga pagtalima [kay Allāh]. Nagbigay-babala ito laban sa pagputol-ugnayan sa mga kaanak o paggawa ng masagwa sa kanila. Ibinilang nito na iyon ay kabilang sa malalaking kasalanan sapagkat nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): “Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol-ugnayan sa kaanak.”
1 Minuto
Nasaad sa marangal na ḥadīth na: “Hindi papasok sa Paraiso...”
ang tagadambong sa daan.
ang isang tagaputol ng pagdarasal.
ang isang tagaputol-ugnayan sa kaanak.
ang isang tagaputol ng punong-kahoy.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
1 Minuto
Nagsigasig ang Islām sa pagtatanim ng simulain ng pagpapakundangan at paggalang sa mga ama at mga ina, pagsasagawa ng pag-aalaga sa kanila, at pagtalima sa utos nila hanggang sa kamatayan.
1 Minuto
Gaano man tumanda ang lalaking anak o ang babaing anak, kinakailangan sa kanila ang pagtalima sa mga magulang nila at ang paggawa ng maganda sa mga ito. Nag-ugnay nga si Allāh niyon sa pagsamba sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) at sumaway Siya laban sa pagpapalabis sa salita at gawa laban sa kanila kahit pa man iyon ay sa pamamagitan ng isang salita ng pagkasuya (Qur’ān 17:23): {Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba maliban sa Kanya at sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda. Kung aabutan nga naman sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng nakasusuya at huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal.}
1 Minuto
Ano ang gawain na iniugnay ni Allāh (napakataas Siya) sa pagsamba sa Kanya lamang sa sabi Niya (napakataas Siya): “Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba maliban sa Kanya”?
Ang pagbigkas ng Qur’ān.
Ang kabutihang-loob sa mga magulang.
Ang pagdarasal sa masjid.
Ang pagsasaayos ng puso.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
1 Minuto
Nag-utos ang Islām ng pag-iingat sa mga karapatan ng mga lalaking anak at mga babaing anak at pagkakinakailangan ng katarungan sa pagitan nila sa paggugol at mga bagay-bagay na nakalantad. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): “Mangilag kayong magkasala kay Allāh at magmakatarungan kayo sa mga anak ninyo.”
1 Minuto
Ang katarungan sa pagitan ng mga anak sa mga paggugol at mga regalo ay itinuturing na kaibig-ibig at hindi isang tungkulin sa ama.
Tumpak.
Mali.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
Matagumpay mo ngang nalubos ang sesyon Salamat sa iyo!