Ang mga Transaksiyong Pampananalapi sa Islām
Naglagay ang Islām ng lahat ng mga patakaran at mga pagbabatas na nangangalaga sa tao, nag-iingat sa karapatan niyang pampananalapi at pampropesyon, maging siya man ay mayaman o maralita, at nakikilahok sa pagbubukluran ng lipunan, pag-unlad nito, at pag-angat nito sa lahat ng mga larangan ng buhay.
Nag-utos si Allāh ng pagsisikap sa lupa ng paghahanap ng ikabubuhay at nagbawal Siya laban sa panghihingi sa mga tao ng salapi hanggat ang tao ay nakakakaya sa pagkita. Nagpabatid Siya na ang sinumang nanghihingi sa mga tao ng salapi samantalang nakakakaya naman sa pagtatrabaho tunay na mawawala ang mataas na kalagayan nito sa ganang kay Allāh at sa ganang mga tao. Nasaad sa ḥadīth: “Hindi natitigil ang panghihingi sa isa sa inyo hanggang sa makitagpo ito kay Allāh (napakataas Siya) habang sa mukha nito ay walang piraso ng laman.”
“Hindi natitigil ang panghihingi sa isa sa inyo hanggang sa makitagpo ito kay Allāh (napakataas Siya) habang sa mukha nito ay walang piraso ng laman.” Nagsasalita ang ḥadīth na ito tungkol sa:
Dalas ng pag-asa sa iba at panghihimasok sa mga pumapatungkol sa mga ibang tao.
Dalas ng paglalahad ng mga tanong.
Dalas ng panghihingi ng salapi sa mga ibang tao.
Dalas ng pagtatanong nang walang kadahilanan.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): “Ang sinumang dinapuan ng isang kahikahusan saka nagdulog nito sa mga tao ay hindi matutugunan ang kahikahusan niya. Ang sinumang nagdulog nito kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay papawi si Allāh para sa kanya sa pamamagitan ng kasapatan.”
Ang lahat ng mga propesyong pang-industriya, pangserbisyo, at pampamumuhunan ay mga trabahong pinarangalang walang kapintasan sa mga ito hanggat nasa saklaw ng mga pinapayagan. Ang mga Propeta nga noon ay nagtatrabaho sa mga pinapayagang propesyon ng mga kababayan nila gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): “Hindi nagpadala si Allāh ng isang propeta malibang nagpastol ito ng mga tupa.” Si Propeta Zacarias (sumakanya ang pangangalaga) ay isang karpintero.
Ano ang propesyon noon ni Propeta Zacarias (sumakanya ang pangangalaga)?
Ang pananahi.
Ang karpinterya.
Ang pamamanday-ginto.
Ang pagsasaka.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
Ang sinumang nagpaganda ng layunin niya sa trabaho niya sa pagnanais na gumugol sa sarili niya at pamilya niya, pumigil sa kanila sa pangangailangan sa mga ibang tao, at magpakinabang sa mga nangangailangan, siya ay pabubuyaan sa trabaho niya at pagsisikap niya gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): “Tunay na ikaw ay hindi gugugol ng isang gugulin na hinahangad mo sa pamamagitan nito ang ikalulugod ng mukha ni Allāh malibang pabubuyaan ka dahil dito, pati na ang isinusubong ilalagay mo sa bibig ng maybahay mo…”
Ang batayang panuntunan sa lahat ng mga pakikipagtransaksiyunang pampananalapi – gaya ng pagtitinda, pagbili, pangungupahan, at iba pa roon kabilang sa ginagawang pakikipagtransaksiyunan ng mga tao at kinakailangan nila – ay ang pagpayag at ang pagpapahintulot, maliban sa ipinasubali na mga ipinagbabawal dahil sa sarili nito o dahil sa pamamaraang ng pagkatamo nito.
Ang batayang panuntunan sa mga transaksiyong pampananalapi ay ang pagbabawal.
Magaling! Tumpak na Sagot
Tangkain muli. Maling Sagot.
Matagumpay mo ngang nalubos ang sesyon Salamat sa iyo!
حصلت على شهادة إتمام الفصل